Sa panahon ngayon, iba na ang kabataan. Nakakalungkot isipin na pinatay na ng makabagong teknolohiya ang kasiyahan ng mga bata sa paglikha ng kanilang sariling imahinasyon sa paglalaro at maranasang makabuo ng matibay na pundasyon ng pagkakaibigan ng bawat indibidwal na makakasalamuha mo sa kalsada. Mabuti na lamang at ako ay isa mga huling henerasyon na nakaranas ng matinding kasiyahan dulot ng paglalaro sa kalsada kasama ang aking kapatid, pinsan at mga kapitbahay.
Ikaw ba ay pinanganak noong late 80s at late 90s? Kung ganoon, mabuhay ka! Isa kang 90s kid. Subalit naranasana mo ba ang isa sa mga ito para matawag kang LEGIT 90s kid?
1. MAHILIG TAYO MAMBARA SA MGA GANITONG KATAGA.
Kapag may kalaro ka at gusto mo magset ng rules sa laro niyo babarahin mo siya sa mabilis na paraan na "WALA NG BAWIAN MAMATAY MAN PERIOD NO ERASE PADLOCK TAPON SUSI!" haha paano pa siya makakasabat niyan? O kaya pag may nangangako satin "PROMISE? CROSS YOUR HEART? HOPE TO DIE?" o kaya naman pag biglang sabay at pareho kayo ng sinabi, pabilisan kayo ng MONEY FOR ME LETTER FOR YOU sabay knock on wood three times! haha!
2. NAKALARO KA SA FAMILY COMPUTER
Siyempre! Sino ba naman ang hindi nabaliw sa Family Computer? Kahit wala ka nito, andiyan naman ang kapitbahay mo na bukas na bukas ang bahay para maglaro kayong dalawa/tatlo o apat na magkakaibigan ng salitan sa mga nakakaengganyong laro tulad ng:
SUPER MARIO
PACMAN
STREET FIGHTER
SUPERSONIC
DONKEY KONG
CONTRA
BATTLE CITY
CIRCUS CHARLIE
Lahat ng larong yan ay nasa isang mala cassette tape na lalagyan na isasaksak mo lang sa mother board para gumana. Subalit, paano kung hindi gumana? Madali lang yan, pasikatan kayo ng mga barkada niyo na ihipan ang ang ilalim ng bala. Mas malakas na hipan mas gagana! :)
3. ANG MGA LARONG KALYE!
Bago pa ang RAGNAROK, DOTA, DOTA II, LOL, L4D, COC, KRITIKA may sarili na tayong mga laro natin na kahit saang sulok ng kalsada ay nilalaro ng bawat bata noong 90s. Dito nauso ang katagang ANG PIKON AY LAGING TALO.
Hindi pa uso ang Friendster, Facebook o Twitter pero dahil sa mga larong kalyeng ito, marami tayong nakikilalang mga bagong kaibigan na talaga namang hanggang ngayon ay pinahahalagahan natin.
Walang mahirap o mayaman, walang pustahan o sugal at higit sa lahat walang murahan sa mga larong ito, PURONG KASIYAHAN LAMAN
4. ANG MGA SUPER CHIKLET NG
BAYAN!
Sino ba naman ang makakalimot sa BAZOOKA?! Ang chiklet na kaya natin binibili ay dahil sa comics na nakapaloob sa mala bareta na sabon na chiklet na kulay pink.. Dito natin sinundan ang kalokohan ng BAZOOKA GANG na pinangungunahan ni JOE kasama nila JANE, MORT, HERMAN at ang cute na si PESTY.
Aminin mo man o hindi, binili mo ang bubble gum na ito hindi dahil sa tamis neto ngunit dahil sa mala pinturang kulay neto na didikit ng matagal sa dila at labi mo. Ginawa mo rin 'tong lipstick para iimpress ang mga kaibigan mo na nakamalaking braces sa kanilang mga bunganga. haha!
Sino ba naman ang makakalimot sa YAKEE? Ang gumball na sobrang asim pero sobrang sarap. Madalas natin bilhin ito at makipagsiklaban sa mga kalaro natin kung sino ang unang bibigay sa asim ng gum ball na ito? Unang magpakita ng maasim na mukha ay siyang talo! :)
5. MIRINDAL NG BARKADA: TINGI TINGING SITSIRYA AT SOFTDRINKS
Aling Biring! isang popcola po na 6 pesos at yung 4 na tigpipisong tomi, richie, pritos ring at sweetcorn.
Sa halagang sampung piso mabubusog ka na sa mga sitsiryang ito pagkatapos niyo maghabulan ng mga barkada mo sa kalsada.Mas masarap inumin ang malamig na sarsi o popcola kapag ito ay nakasupot at may straw na kasama na siya namang kinakagat kagat mo para wala makiinom sayo.
No. 1 rule: BAWAL HUMINGI dahil ito ay sakto lang para sa isang tao kaya ikaw naman tong magsusumbong kay nanay na umiiyak dahil pinagdamutan ka ng kaibigan mo pero sa halip na bigyan ka ng pera ay hindi ka na palalabasin dahil maghahapunan na. Saklap no?
6. KALOKOHAN KAPAG BROWNOUT
BROWNOUT! BROWNOUT! Si nanay nagsindi ng kandila sa sala. ABA eto ka naman lumapit at sinusubukan mong hawakan ang mitsa ng kandila na may apoy o kaya naman hinahampas hampas mo ng kamay mo ang apoy ng kandila. Kung medyo mabait bait ka namang bata, proud kang sabihin na mas nauna ka pa sa EL GAMMA PENUMBRA magshadow play tuwing brownout gamit ang iyong mga kamay upang bumuo ng ibon, aso, o anuman ilikha ng imahinasyon mo.
PERO ANG PINAKAMASAYA SA LAHAT? Yung kayong magpipinsan o kapitbahay ay pupunta sa sala uupo ng pabilog sa kandila at magkukwentuhan ng nakakatakot! VERY 90s kid! :)
7. HAWHAW:
PINAKABANAL NA
PAGKAIN NATING 90s KID!
Papunta ka sa mga kalaro mo na may dalang hawhaw. Ikaw naman tong proud na proud dahil mararanasan mo nanaman maging pari kahit isang minuto sa buhay mo! Bakit? dahil kapag nakita ng mga kalaro mo may hawhaw ka.. matic na yan na pipila sila sa harapan mo at eto kanamang tatayo sa gilid at magsasabing "BODY OF CHRIST"
Aminin! :)
8. SOBRANG EXCITED KA NG MALAMAN MONG PUPUNTA SI SUSY AT GENO SA SCHOOL MO!
Sino bang hindi? Sinong ayaw mapisil ang mga mascot nila? The moment na nalaman mong pupunta si SUSY at GENO sa school niyo eto ka naman at pupunta kay nanay upang magpabili ng 2 o 3 na SUSTAGEN na may scoop at box. Kasi the more sustagen scoops and boxes the more sustagen merchandise ang mapapanalunan! Lets go SUSY and GENO!
9. NANIWALA KA SA TSISMIS NA AAHON SA PACIFIC OCEAN SI GODZILLA NOONG DECEMBER 2000
Isa ka sa mga uto uto na naniwala sa takutan ng barkada na aahon si Godzilla sa Pacific Ocean noong December 2000. Ito ang latest tsismis na kumalat pagkatapos mapalabas ang GODZILLA noong 1998. The moment na nalaman mo'to inisip mo agad kung saan ka magtatago at kung paano ka makaliligtas sa apoy ng halimaw na'to.
Aminin, kinabahan ka nun! haha
10. KARAMIHAN SA ATIN AY MAY ALAGANG ALIEN GAMIT ANG TAMAGOTCHI!
karamihan sa atin ay nahook sa tamagotchi na yan sa halagang 80 php. Hindi natin alam kung ito ba ay aso, pusa, daga, itlog, o alien bastat ang mahalaga ay maalagaan natin siya dahil the moment na nawala siya, GOODBYE TAMAGOTCHI na at bibili kananaman ng bago. Dito tayo naging responsable sa mga bagay bagay at alamin ang tamang kahalagahan ng oras! :)
11. LAHAT TAYO AY NAADIK SA PLASTIC BALLOON!
HINDI KA 90'S KID KUNG HINDI MO NATRY 'TO! Yung tipong bubutasan mo siya gamit ang dila para palakihin ito o kaya naman mababaliw ka kahahanap sa kung saan ba ang butas ng lobo na yun dahil ito ay lumiliit. at tatakpan ito gamit ang labi mo. MOUTH PLEASURES indeed! Pero there's something talaga sa plastic balloon na di natin makalimutan, ANG AMOY NITO! Aminin! :D
12. MALAMANG SA MALAMANG ALAM NA ALAM MO NA BAKIT MAY SANTAN DITO!
Hindi ka 90s kid kung hindi mo natry sipsipin ang pinaniniwalaang mong nakatagong honey sa stem ng SANTAN FLOWER! Ikaw naman to masasarapan at ipipikita pa mga mata mo! Alam na alam mo yang 90s kid ka! Sigurado akong naubos ang tanim ni aling bebang na santan dahil kakasipsip niyo ng barkada niyo sa honey kuno na lumalabas dito! haha!
13. ANG MGA SIKAT NA SCHOOL SUPPLIES
Malapit na ang pasukan kaya naman ikaw iniiyakan mo ang mga school things na ito kapag hindi napapasaiyo. Tulad ng stroller bags, umiilaw na rubber shoes, ang pencil case mo na may 2nd floor, ang lapis mo na may basketball ring at may bolang nakalagay, ang scented eraser mo, ang mechanical pencil, ang bolpen mo na may 4 o 5 kulay pag pinindot mo at higit sa lahat ang slam book na pinapasagutan mo sa mga classmates mo pero ang tanging makikita mo dito ay TIME IS GOLD, SECRET o kayanaman M2M (many to mention). Lahat ng ito pinapabili mo para maging sikat ka sa loob ng klase at sayo manghiram ang mga classmates mo pero ikaw 'tong madamot at namimili ng pahihiramin! haha!
14. NANINIWALA KA NA ANG WATERFULL RING- TOSS ANG HARDEST GAME EVER!
Nachallenge tayo sa larong 'to. Dugo't pawis ang nilalaan natin para lamang masiguro na lahat ng rings ay masuot natin sa stick at kapag nagawa natin ito, isang malaking tagumpay ang mararamdaman natin ngunit isang maling galaw lamang ay agad agad naman itong mawawala. Basta't dahan dahan ka lamang sa pressure siguradong magagawa mo ito ang HARDEST GAME EVER!
15. NAABUTAN PA NATIN ANG MGA LEGIT SUSPENSE/HORROR MOVIES/STORIES NG PILIPINAS
Aminin natin, dapat tayo maging proud dahil naabutan pa natin ang mga producers at direktor na gumawa ng LEGIT HORROR MOVIES! Sino ang makalilimot sa takot na naramdaman natin ng pinagpalit ni Manilyn Reynes ang basong may lason kay Ana Roces dahil siya ang alay sa piyesta ng mga aswang. Ang pagligtas ni Manilyn Reynes kay Aiza Seguerra sa nagmassacre sa kanyang pamilya. Ang Halimaw sa Banga. Ang Shake Rattle 1 hanggang 4 (pagdating ng 5-15 BADUY NA). Ang paghasik ng lagim ni Balawis Ang manananggal in the city ni Alma Concepcion. Ang pagtunaw sa katawan ni Ai Ai delas alas ng UNDIN. Tiyanak ni Janice de belen.Ang multo sa balete drive ni ChinChin Guitterez. Ang Vizconde Massacre. Marikina Massacre at higit sa lahat ang MAGANDANG GABI BAYAN HORROR SPECIAL na kasama nating natatakot ang ating kapamilya sa kwarto o sala habang pinapanood natin ito. Walang tatalo dito!
Aminin niyo o hindi, nakaramdam tayo ng takot sa lahat ng mga Horror/suspense movies/stories na iyan! Hindi katulad ngayon na imbes na matakot ka sa eksena ay matatawa ka nalang dahil mapapasabi ka ng YUN NA YUN? Dahil malaki ang kaibihan ng pelikulang nananakot at pelikulang nanggugulat.
16. PRESSURED KA NA!
Bakit ka pressured? Dahil nakikita mo ang mga ka batch mo ay isa isa ng nagkakaasawa at nagkakaanak at sila ay masaya sa buhay pamilya! hanap hanap ka na! :D
ayos to. :) (Y)
ReplyDelete