Friday, November 27, 2015
UST Yellow Army! : Crowd ng Bayan
Sinasabi nila na ang basketball ay panlimahang laro lamang sa loob ng court. Na para lamang ito sa mga malalakas at bruskong tao. Na ang teamwork ang namamayani para sa koponang nais manalo sa kanilang kalaban. Lahat ng iyan ay totoo.... PERO HINDI SIGURO SA UST!
Kilala ang UST Growling Tigers na may 6 na manlalaro sa loob ng court. Isang center, power forward, small forward, shooting guard, point guard at siyempre ang UST Crowd, ang 6th man ng koponan!
Hindi maiaalis sa karamihan na tayong mga nanood, tomasino man o hindi, at sumusuporta sa mga manlalaro natin ang pinakamahalagang ingredient para bigyan ng lakas at pagtibayin ang puso ang mga manlalaro natin. Tayo ata ang best crowd sa UAAP dahil hindi tayo pa-ELITE kung pumalakpak at hindi rin tayo pang-GULO kung magwala kapag tayo ay sumusuporta. Tayo ang saktong crowd. Crowd na tila napakasarap samahan. Crowd na kayang ibigay ang kanilang boses at lakas para sa kanilang koponan. Crowd na kahit hindi magkakakilala ay nagsasama sama. CROWD NA MASASABI MONG PAMILYA.
Manalo man o matalo, mapaos man o mapilay sa katatalon, nandiyan tayo para sa ating manlalaro. Hindi natin sila iniiwan sa pagparty party sa tuwing nakakashoot sina Teng, Mariano, Fortuna, Lo, Daquioag, ,Vigil, Ferrer, Lao hanggang kay Lee, Bonleon, Suarez, Subido atbp at hinding hindi natin pinagwawalang bahala ang bawat siko, takbo, pagod, pawis at paghihirap ni Abdul sa ilalim ng basket. AT sino ba namang crowd ang nagbibigay ng lakas sa mga manlalaro nila na maipanalo ang laro pagkatapos mahabol ang 19, 18, 17, 16, 15,14, 13, 12 points deficit... wala! UST CROWD LANG!
Halos lahat ata ng cheer alam natin. Mashoot man o hindi ang freethrow lahat nag chicheer ng YOSI (One For UST). Habang hawak ang bola ay sabay sabay magchicheer ng OFFENSE (Lets go UST lets go fight!) Ang GST (GO S-A-N-T-O T-O-M-A-S GO UST) Hindi din mawawala diyan ang napakasayang OCHO (EYO EH-EH EYO. EYO EH-EH EYO) Sino ba naman ang hindi matatakot sa tuwing itataas natin ang dalawang kamay natin na magkadikit na may tatsulok sa gitna at sisigaw sa napakalakas na "OOOOOHHH DEFENSA!!!!" Sinong hindi mapapaindak habang sinisigaw natin ang bawat letra ng U-S-T na may kasamang giling. At sino ba naman ang hindi mapapasunod sa pagtaas ng ating kamay na nakaturo sa itaas at paiikutin at sabay sabay na magsasabi ng "Go USTe! GoUSTe! GoUSTe! Go! Go! Go!" Kayang kaya natin kainin ang kalaban sa tuwing sabay sabay tayong sumisigaw at nagchicheer na kahit ang ating mga ELITE alumni ay hinding hindi nahihiya itaas ang kanilang kamay at mag OHHH DEFENSA! Kasi sa UST lahat pantay-pantay!
Ang UST Growling Tigers ay isa nanaman sa mga bida ngayon para makuha ang season 78 championship crown ng UAAP. Pangatlong beses na ito sa loob ng apat na taon. Bigo sa una at pangalawa at sana hindi na mabigo sa pangatlo. Kailangan nila ng tulong mga kapwa tomasino! Sana hindi lang basta para sa headcount ang ticket na hawak mo dahil ang ticket na hawak mo sa panonoorin mong laro ay kailangan ng sigaw at hiyaw na may kasamang puso sa pagsali sa cheer ng bawat tomasinong handang ibigay ang lahat lahat ng kanilang boses at lakas para sa nagiisang UST team na may baong 6th man sa loob ng ng court.....ang UST Yellow Army - Ang Crowd ng Bayan.
Handa ka na ba? #GoUSTe
Sunday, August 2, 2015
10 SENYALES NA PASAHERO KA TALAGA NG JEEP SA PINAS!
Sabi nga nila, ang mga barker daw ay talaga namang maasahan ng mga driver. OO! Tama! Pihado ako naranasan mo na ang pagtawag ni MANONG APAT sa pasahero ng "Oh Apat pa! Apat pa! 2 sa kanan! 2 sa kaliwa!" Habang kayo na nasa loob ng jeep, nagtataka dahil hindi na nga kayo magkasya sa loob eh narinig mo na apat papala ang kasya! Saan sila uupo? sa sahig? kakanlungin? Tapos pag sinita mo si driver sasabihin pa di pa puno at wala pang laman... teka kuya ano kami? SABAW? haha!
2. PATAY MALISYANG PASAHERO
Ang ganda ganda ng araw mo at masaya kang sumakay sa jeep. Kumuha ng barya sabay sabing..
"Ma Bayad Po".. teka wala nag aabot, isa pa... "Ma BAYAD KO PO Pakiabot nga miss" aba dumungaw bigla sa bintana.. "Makikisuyo nga po tay! Bayad ko po" ay patay malisya si tatay. Aba manong anak ng tokwa CATCH! Sigurado ako naranasan mo na to! haha
3. SI ATENG MAHILIG MAG PA HAIR PARTY!
Naranasan mo na rin siguro ang kumain ng buhok ni ateng todo lugay at feel na feel ang malakas na usok na hangin na nanggagaling sa bintana ng jeep. Aba! Ate kakakain ko lang. Busog pako!Makiramdam!
4. SI MANONG PA-GAS!
Yung late na late ka na sa office o sa school at nagmamadali kana tapos biglang lumiko yung jeep ni kuya sa gas station para mag pa gas! At ang ibabayad pa niya ay yung tig mamisong barya na bibilangin pa lang niya! Well, kasalanan mo yan dahil late ka nagising pero anak ng! Kuya bilis! Late na ako! haha
5. NAKAPAGPANGGAP KA NA NAKAUPO!
Biktima ka na rin siguro ng jeep na pinara mo dahil nagmamadali ka pero pagpasok mo kakarampot na espasyo nalang pala ang nakalaan sa iyo. Ang ending, dulo na lamang ng pwet mo ang nakakaupo at ang matindi pa neto dumudulas ka pa ng pakonti konti at nanalangin na wag na wag dadaan sa mga humps o sa mga lubak na! haha!
6. ANG SANDALAN!
Naranasan mo narin siguro ang
maging sandalan ng mga taong inaapi ng kaantukan. Yung tipong nagrereminisce ka tapos biglang may sasandal sayo na tao na tulog. Ang matindi pa nito, tumutulo pa ang laway at tila humihilik hilik pa. Nako kuya/ ate, wala po bang kama sa bahay niyo? Di makapag antay? Ganyan?
7. BABABA KA NALANG MAUUNTOG KA PA MOMENT!
Eto talaga yung moment na hindi mo inaasahan. Yung moment na bababa ka nga lang sa jeep eh mauuntog ka pa ng malakas. Aray ko! Napahiya ka pa tuloy sa mga pasahero. Masaklap neto may narinig ka pang bungingis sa mga tao! Ingat ingat din kasi! haha!
8. MGA MAKUKULIT NA PASAHERO
Eto yung mga pasakay na pasahero na dimo alam kung bingi o sadyang makulit lang. Yung eksenang si kuya driver sisigaw ng destinasyon "Espanya espanya espanya! Lalarga na! Espanya! Espanya!" Tapos etong si pasahero na tipo kasasakay lang eh magtatanong "KUYA ESPANYA?" haha ANAK NG PAULIT ULIT? hahah
9. MGA FRIENDLY JEEPNEY DRIVERS
Likas sa ating mga Pilipino ang maging palakaibigan. Hindi makakailang tayo ang pinakapalakaibigang tao sa mundo. Aba sa jeep din palakaibigan ang mga tao lalo na mga drivers. Yung tipong hihinto talaga yung jeep nila sa gitna ng kalsada at tsaka maguusap ng pagkatagal tagal. Ok na sana ang 1-2 seconds pero yung aabutin ng lagpas 30 segundo?! haha! Kuya! Pwede magchikahan mamaya!
10. ANG STIGMA NG MGA PASAHERO NG JEEP
Sigurado ako na karamihan sa atin ay naniniwala na ang pagsakay sa jeep ay kailangan ng ibayong pagiingat sa mga holdaper at mga snatcher sa labas ng bintana. Kaya naman tayong mga pasahero todo ingat sa bag natin at todo tago sa mga cellphone natin. Kailan kaya mawawala ang stigma na ito? Kailan kaya magiging ligtas ang pagsakay sa jeep na nakakapag text o twag ka sa phone mo na walang halong takot.
Basta mga katoto, huwag na huwag magtetext sa loob ng jeep at huwag na magsuot ng mamahaling alahas pag sasakay sa jeep para iwas disgrasya at at iwas sa krimen na maaring magawa sa inyo.
Ang lahat ng ito ay base sa aking karanasan at ang iba ay opinyon lamang. Huwag masyadong seryosohin kung hindi ka natuwa! :)
Sunday, June 7, 2015
16 signs that you are a LEGIT PINOY 90's KID!
Sa panahon ngayon, iba na ang kabataan. Nakakalungkot isipin na pinatay na ng makabagong teknolohiya ang kasiyahan ng mga bata sa paglikha ng kanilang sariling imahinasyon sa paglalaro at maranasang makabuo ng matibay na pundasyon ng pagkakaibigan ng bawat indibidwal na makakasalamuha mo sa kalsada. Mabuti na lamang at ako ay isa mga huling henerasyon na nakaranas ng matinding kasiyahan dulot ng paglalaro sa kalsada kasama ang aking kapatid, pinsan at mga kapitbahay.
Ikaw ba ay pinanganak noong late 80s at late 90s? Kung ganoon, mabuhay ka! Isa kang 90s kid. Subalit naranasana mo ba ang isa sa mga ito para matawag kang LEGIT 90s kid?
1. MAHILIG TAYO MAMBARA SA MGA GANITONG KATAGA.
Kapag may kalaro ka at gusto mo magset ng rules sa laro niyo babarahin mo siya sa mabilis na paraan na "WALA NG BAWIAN MAMATAY MAN PERIOD NO ERASE PADLOCK TAPON SUSI!" haha paano pa siya makakasabat niyan? O kaya pag may nangangako satin "PROMISE? CROSS YOUR HEART? HOPE TO DIE?" o kaya naman pag biglang sabay at pareho kayo ng sinabi, pabilisan kayo ng MONEY FOR ME LETTER FOR YOU sabay knock on wood three times! haha!
2. NAKALARO KA SA FAMILY COMPUTER
Siyempre! Sino ba naman ang hindi nabaliw sa Family Computer? Kahit wala ka nito, andiyan naman ang kapitbahay mo na bukas na bukas ang bahay para maglaro kayong dalawa/tatlo o apat na magkakaibigan ng salitan sa mga nakakaengganyong laro tulad ng:
SUPER MARIO
PACMAN
STREET FIGHTER
SUPERSONIC
DONKEY KONG
CONTRA
BATTLE CITY
CIRCUS CHARLIE
Lahat ng larong yan ay nasa isang mala cassette tape na lalagyan na isasaksak mo lang sa mother board para gumana. Subalit, paano kung hindi gumana? Madali lang yan, pasikatan kayo ng mga barkada niyo na ihipan ang ang ilalim ng bala. Mas malakas na hipan mas gagana! :)
3. ANG MGA LARONG KALYE!
Bago pa ang RAGNAROK, DOTA, DOTA II, LOL, L4D, COC, KRITIKA may sarili na tayong mga laro natin na kahit saang sulok ng kalsada ay nilalaro ng bawat bata noong 90s. Dito nauso ang katagang ANG PIKON AY LAGING TALO.
Hindi pa uso ang Friendster, Facebook o Twitter pero dahil sa mga larong kalyeng ito, marami tayong nakikilalang mga bagong kaibigan na talaga namang hanggang ngayon ay pinahahalagahan natin.
Walang mahirap o mayaman, walang pustahan o sugal at higit sa lahat walang murahan sa mga larong ito, PURONG KASIYAHAN LAMAN
4. ANG MGA SUPER CHIKLET NG
BAYAN!
Sino ba naman ang makakalimot sa BAZOOKA?! Ang chiklet na kaya natin binibili ay dahil sa comics na nakapaloob sa mala bareta na sabon na chiklet na kulay pink.. Dito natin sinundan ang kalokohan ng BAZOOKA GANG na pinangungunahan ni JOE kasama nila JANE, MORT, HERMAN at ang cute na si PESTY.
Aminin mo man o hindi, binili mo ang bubble gum na ito hindi dahil sa tamis neto ngunit dahil sa mala pinturang kulay neto na didikit ng matagal sa dila at labi mo. Ginawa mo rin 'tong lipstick para iimpress ang mga kaibigan mo na nakamalaking braces sa kanilang mga bunganga. haha!
Sino ba naman ang makakalimot sa YAKEE? Ang gumball na sobrang asim pero sobrang sarap. Madalas natin bilhin ito at makipagsiklaban sa mga kalaro natin kung sino ang unang bibigay sa asim ng gum ball na ito? Unang magpakita ng maasim na mukha ay siyang talo! :)
5. MIRINDAL NG BARKADA: TINGI TINGING SITSIRYA AT SOFTDRINKS
Aling Biring! isang popcola po na 6 pesos at yung 4 na tigpipisong tomi, richie, pritos ring at sweetcorn.
Sa halagang sampung piso mabubusog ka na sa mga sitsiryang ito pagkatapos niyo maghabulan ng mga barkada mo sa kalsada.Mas masarap inumin ang malamig na sarsi o popcola kapag ito ay nakasupot at may straw na kasama na siya namang kinakagat kagat mo para wala makiinom sayo.
No. 1 rule: BAWAL HUMINGI dahil ito ay sakto lang para sa isang tao kaya ikaw naman tong magsusumbong kay nanay na umiiyak dahil pinagdamutan ka ng kaibigan mo pero sa halip na bigyan ka ng pera ay hindi ka na palalabasin dahil maghahapunan na. Saklap no?
6. KALOKOHAN KAPAG BROWNOUT
BROWNOUT! BROWNOUT! Si nanay nagsindi ng kandila sa sala. ABA eto ka naman lumapit at sinusubukan mong hawakan ang mitsa ng kandila na may apoy o kaya naman hinahampas hampas mo ng kamay mo ang apoy ng kandila. Kung medyo mabait bait ka namang bata, proud kang sabihin na mas nauna ka pa sa EL GAMMA PENUMBRA magshadow play tuwing brownout gamit ang iyong mga kamay upang bumuo ng ibon, aso, o anuman ilikha ng imahinasyon mo.
PERO ANG PINAKAMASAYA SA LAHAT? Yung kayong magpipinsan o kapitbahay ay pupunta sa sala uupo ng pabilog sa kandila at magkukwentuhan ng nakakatakot! VERY 90s kid! :)
7. HAWHAW:
PINAKABANAL NA
PAGKAIN NATING 90s KID!
Papunta ka sa mga kalaro mo na may dalang hawhaw. Ikaw naman tong proud na proud dahil mararanasan mo nanaman maging pari kahit isang minuto sa buhay mo! Bakit? dahil kapag nakita ng mga kalaro mo may hawhaw ka.. matic na yan na pipila sila sa harapan mo at eto kanamang tatayo sa gilid at magsasabing "BODY OF CHRIST"
Aminin! :)
8. SOBRANG EXCITED KA NG MALAMAN MONG PUPUNTA SI SUSY AT GENO SA SCHOOL MO!
Sino bang hindi? Sinong ayaw mapisil ang mga mascot nila? The moment na nalaman mong pupunta si SUSY at GENO sa school niyo eto ka naman at pupunta kay nanay upang magpabili ng 2 o 3 na SUSTAGEN na may scoop at box. Kasi the more sustagen scoops and boxes the more sustagen merchandise ang mapapanalunan! Lets go SUSY and GENO!
9. NANIWALA KA SA TSISMIS NA AAHON SA PACIFIC OCEAN SI GODZILLA NOONG DECEMBER 2000
Isa ka sa mga uto uto na naniwala sa takutan ng barkada na aahon si Godzilla sa Pacific Ocean noong December 2000. Ito ang latest tsismis na kumalat pagkatapos mapalabas ang GODZILLA noong 1998. The moment na nalaman mo'to inisip mo agad kung saan ka magtatago at kung paano ka makaliligtas sa apoy ng halimaw na'to.
Aminin, kinabahan ka nun! haha
10. KARAMIHAN SA ATIN AY MAY ALAGANG ALIEN GAMIT ANG TAMAGOTCHI!
karamihan sa atin ay nahook sa tamagotchi na yan sa halagang 80 php. Hindi natin alam kung ito ba ay aso, pusa, daga, itlog, o alien bastat ang mahalaga ay maalagaan natin siya dahil the moment na nawala siya, GOODBYE TAMAGOTCHI na at bibili kananaman ng bago. Dito tayo naging responsable sa mga bagay bagay at alamin ang tamang kahalagahan ng oras! :)
11. LAHAT TAYO AY NAADIK SA PLASTIC BALLOON!
HINDI KA 90'S KID KUNG HINDI MO NATRY 'TO! Yung tipong bubutasan mo siya gamit ang dila para palakihin ito o kaya naman mababaliw ka kahahanap sa kung saan ba ang butas ng lobo na yun dahil ito ay lumiliit. at tatakpan ito gamit ang labi mo. MOUTH PLEASURES indeed! Pero there's something talaga sa plastic balloon na di natin makalimutan, ANG AMOY NITO! Aminin! :D
12. MALAMANG SA MALAMANG ALAM NA ALAM MO NA BAKIT MAY SANTAN DITO!
Hindi ka 90s kid kung hindi mo natry sipsipin ang pinaniniwalaang mong nakatagong honey sa stem ng SANTAN FLOWER! Ikaw naman to masasarapan at ipipikita pa mga mata mo! Alam na alam mo yang 90s kid ka! Sigurado akong naubos ang tanim ni aling bebang na santan dahil kakasipsip niyo ng barkada niyo sa honey kuno na lumalabas dito! haha!
13. ANG MGA SIKAT NA SCHOOL SUPPLIES
Malapit na ang pasukan kaya naman ikaw iniiyakan mo ang mga school things na ito kapag hindi napapasaiyo. Tulad ng stroller bags, umiilaw na rubber shoes, ang pencil case mo na may 2nd floor, ang lapis mo na may basketball ring at may bolang nakalagay, ang scented eraser mo, ang mechanical pencil, ang bolpen mo na may 4 o 5 kulay pag pinindot mo at higit sa lahat ang slam book na pinapasagutan mo sa mga classmates mo pero ang tanging makikita mo dito ay TIME IS GOLD, SECRET o kayanaman M2M (many to mention). Lahat ng ito pinapabili mo para maging sikat ka sa loob ng klase at sayo manghiram ang mga classmates mo pero ikaw 'tong madamot at namimili ng pahihiramin! haha!
14. NANINIWALA KA NA ANG WATERFULL RING- TOSS ANG HARDEST GAME EVER!
Nachallenge tayo sa larong 'to. Dugo't pawis ang nilalaan natin para lamang masiguro na lahat ng rings ay masuot natin sa stick at kapag nagawa natin ito, isang malaking tagumpay ang mararamdaman natin ngunit isang maling galaw lamang ay agad agad naman itong mawawala. Basta't dahan dahan ka lamang sa pressure siguradong magagawa mo ito ang HARDEST GAME EVER!
15. NAABUTAN PA NATIN ANG MGA LEGIT SUSPENSE/HORROR MOVIES/STORIES NG PILIPINAS
Aminin natin, dapat tayo maging proud dahil naabutan pa natin ang mga producers at direktor na gumawa ng LEGIT HORROR MOVIES! Sino ang makalilimot sa takot na naramdaman natin ng pinagpalit ni Manilyn Reynes ang basong may lason kay Ana Roces dahil siya ang alay sa piyesta ng mga aswang. Ang pagligtas ni Manilyn Reynes kay Aiza Seguerra sa nagmassacre sa kanyang pamilya. Ang Halimaw sa Banga. Ang Shake Rattle 1 hanggang 4 (pagdating ng 5-15 BADUY NA). Ang paghasik ng lagim ni Balawis Ang manananggal in the city ni Alma Concepcion. Ang pagtunaw sa katawan ni Ai Ai delas alas ng UNDIN. Tiyanak ni Janice de belen.Ang multo sa balete drive ni ChinChin Guitterez. Ang Vizconde Massacre. Marikina Massacre at higit sa lahat ang MAGANDANG GABI BAYAN HORROR SPECIAL na kasama nating natatakot ang ating kapamilya sa kwarto o sala habang pinapanood natin ito. Walang tatalo dito!
Aminin niyo o hindi, nakaramdam tayo ng takot sa lahat ng mga Horror/suspense movies/stories na iyan! Hindi katulad ngayon na imbes na matakot ka sa eksena ay matatawa ka nalang dahil mapapasabi ka ng YUN NA YUN? Dahil malaki ang kaibihan ng pelikulang nananakot at pelikulang nanggugulat.
16. PRESSURED KA NA!
Bakit ka pressured? Dahil nakikita mo ang mga ka batch mo ay isa isa ng nagkakaasawa at nagkakaanak at sila ay masaya sa buhay pamilya! hanap hanap ka na! :D
Monday, April 27, 2015
10 signs that YOU ARE A TRUE BLOODED THOMASIAN!
Unibersidad ng Santo Tomas. Ang pinakamatandang unibersidad sa Asya. Ito ang pamantasan na pinakamamahal nating lahat. Maraming tinatanggap na mag-aaral ngunit sobrang hirap makagraduate. OO nakapasa ka nga pero masasabi mo ba na ikaw ay true blooded Thomasian? Naranasan mo na ba ang ilan sa mga ito para masabi mo na ikaw ay #PROUDTHOMASIAN?
1. UST ID PICTURE.
Tunay kang Tomasino kung ikaw ay biktima ng pagiging haggard sa ID picture mo. Yung pagkatapos mo magenroll nung 1st year ka bigla bigla nalang kukuhaan ka ng picture na wala man lang ayos ayos. Ang matindi neto, gagamitin mo ito for the WHOLE STAY mo sa UST! 2nd year, 3rd year 4th year 5th year. Dahil kahit iwala mo pa iyang ID mo yan at yan parin ang ilalagay kaya naman ang gagawin mo ay lalagyan ng stickers ang front ID mo o kaya naman takpan ng LRT/MRT/TimeZone card ito pero ang madalas likod lagi ang nakaharap pag suot mo ito, tipikal na makikita mo sa mga Tomasino. :)2. NAKAKAIN KA NA SA MGA THE BEST CANTEENS AROUND UST
Bago pa ang mga fastfood restos sa Carpark at UST GYM, maraming mga best canteens around the campus. Nandiyan ang Mang Tootz Food Hauz na palaging bago ang binebentang pagkain.Masarap ang kanilang ihaw ihaw. At syempre hindi makukumpleto ang meal mo kung hindi mo titikman ang kanilang famous BANANARAMA!
Nandito din syempre ang
ALMER'S CANTEEN. Talaga nga naman malalaglag ka sa upuan mo pag natikman mo ang kanilang mga sizzling meals. Syempre hindi makukumpleto ang kain mo dito kung di mo naexperience ang Unli Gravy Soup nila! SARAP!
Siyempre, ang pinaka institusyon sa lahat! ang Lopez Canteen. Sa kanila ko lang natikman ang masarap na BOPIS in town. Syempre hindi mawawala ang kanilang super SPECIAL PALABOK na talaga nga namang dinadayo.
3. TAKOT KA LUMABAS SA ARCH OF THE CENTURIES
Naniniwala ka sa Urban Legend na kapag na lumabas ka sa Arch of the Centuries na hindi mo pa natatapos ang iyong kurso, hinding hindi ka na makakagraduate. May ilan pa nga na sabisabi na ito ay time warp zone na bigla ka nalang dadalhin sa ibang oras/taon sa mundo. Kaya tipikal sa mga Tomasino na magtakutan/magbiruan ng tulakan papalabas sa arkong ito. :)
4. KILALA MO SI ATE JOAN SA LABAS NG UST
LACSON GATE
Naniniwala ako na isa na talaga siyang institusyon ng unibersidad. Simula kinder ako na nagbebenta siya ng tamagochi at dragonball text cards hanggang nagcollege ako na binebenta naman niya ay ang paluto niyang pancit canton na ang sarap sarap. Hanggang ngayong matanda na ako ay nagkaroon na siya ng sarili niyang sarisaristore sa gilid ng UST pero ano? Ganun parin! Chestnut Brown parin ang buhok niya! Mabuhay ka Ate Joan!
5. NAKABILI KA SA PINAKASIKAT NA SI ATE YEMA!
Isa sa mga local UST celebrities ay si ate Kaye o Ate Yema in short! Ang kanyang famous line? "Hi guys, would you like to buy some yema, chocolate pastillas, food for the gods, oatmeal cookies or the special homemade pulvoron? It's the best pulvoron you'll ever taste in town." Tomasino kang tunay kung nakabili ka sa kaniya at natikman mo ang mga paninda niya. Masarap naman talaga yung pulvoron di ba? :)
6. NABIKTIMA KA NA NG KRIMEN SA LABAS NG UST LIBRARY
Isa sa mga talamak na krimen na nangyayari sa labas ng UST Library lalo pa't maulan ay ang pangingidnap ng mga payong. Marami na ang mga nakaranas na mga tomasino ang mawalan ng mga payong sa labas ng UST Lib. Desperate moves kumbaga haha! Makikita mo nalang ang maganda mong payong sa ibang parte ng campus na laspag na at wala ng malay. Condolence brad! peace!
7. MAY KAKAIBA KANG NARAMDAMAN SA PAGPASOK MO SA RELIGOUS STATUES SECTION NG UST MUSEUM
OO! Sino ba ang hindi nakaramdam ng takot ng bisitahin natin ang mga santo at anito na nawawala na ang mga mukha sa lugar na ito ng UST Museum. Yung akala mo lahat ng mga mata nakatingin sa iyo lalo pa't kakaiba yung amoy sa loob?Aminin mo, sinabi at naramdaman mo ang salitang TAKOT sa pagpasok mo dito!
8. PAGAAKALANG SIMBAHAN ANG MAIN BUILDING
Inakala mo talagang simbahan ang UST Main Building. O kaya naman minsan sa buhay mo sa loob ng campus may nagtanong sa iyo kung simbahan ba iyan o ang mas malala ay makakita ka ng nag sign of the cross at nagdadasal sa harap ng main building. Well di naman natin masisi ang malaking krus at ang mga statwa sa taas ng gusali
9. ISA KA SA MGA NANOOD NG UAAP GAMES WEARING YELLOW SHIRT!
Aminin mo, kahit ano't ano pa, mayroon kang kahit isang UST Yellow shirt sa cabinet mo na lagi mo pinapaplansta kay yaya, ate o nanay pag may game ang UST! Sumabog na din ang voice box mo kakasigaw sa tuwing makakatres o makakashoot sila Bal David, Espino, Duncil, Cruz, Fortuna, Teng o kaya makapuntos sila Bernal, Balse, Tabaquero, Pimentel. Syempre while shouting the most nakakahawang chant na Go USTe na kahit taga ibang school nakikitaas ng kamay! haha!
10. SYEMPRE 'DI MAWAWALA YUNG NARANASAN MO ANG MABAHA SA CAMPUS
Nakakaramdam ka na ng takot sa tuwing nakikita mo na maitim na ang kalangitan. Hindi mawawala ang tsinelas sa bag para pamalit sa sa sapatos mong may 4 inches na takong! Sino ba naman ang may gusto ng baha? Wala! Pero aminin man natin o hindi HINDING HINDI TAYO MAGIGING GANAP NA TOMASINO kung hindi natin maranasan lumusong sa baha at mastranded sa loob ng campus
Monday, April 20, 2015
CALAGUAS : The Unexplored Paradise in the Philippines
EXPECTATIONS vs REALITY. These two words are very important in choosing the right destination to escape yourself from the busy streets and polluted cities of the metro. Tired of being stress when you book a summer vacation to a place where you expected to feel relax but turns out to be a disaster due to over hyping? Worry not! There's a newly discovered virgin island that will make your stress go away and let go of the busy sched that you have. It is called the CALAGUAS ISLANDS of the Bicol Region in the Philippines.
One of the most famous islands in Calaguas is the Tinaga Island where you can find Mahabang Buhangin. It is a long beach famous to its crystal clear water, powdery white sands and the peace and serenity that you can only experience in this place.
From Manila, you can choose 2 ways on how you can go to Calaguas Islands.
First: You travel by land for 7 hours (from Manila to Camarines Norte) then 2 hours by water (from Camarines Norte to Calaguas Islands - Mahabang Buhangin)
Second: You travel by air for 30-45 minutes (from Manila to Naga, Bicol) then 3 hours by land (from Naga - Camarines Norte) then 2 hours by water (Camarines Norte - Calagaus Islands - Mahabang Buhangin)
Just a little bit of Warning: If in case you'll travel to experience a place where you can sleep in a soft bed, eat luxurious food, party like beach and be drunk I must say do not go there. The island is in the Pacific Ocean. No Signal. No electricity. No hotels. No bars/clubs BUT the beautiful virgin island will compensate it all. :)
Upon reaching the island, the tour guide will advise you to set up your own tent and get rest for awhile.I'll advise you to set up your tent under the small trees because the sun is too hot. But mind you, even though the sun is too hot, the powdery white sands of Calaguas do not mind it at all because they are really kind to our feet. There are also nipa huts there that you can use as your barracks.
The food there is not a problem if you book a package with a travel agency but if you are walk in(s) you should buy raw food from the market in Camarines Norte then you can cook it on the island by bringing your own cooking materials or borrowing from the locals there. For me, it is best that you cook your own food to experience the true sense of camping. There are also mini stores there where you can buy your basic needs.
When we finished setting up our tent, we decided to try to experience the water of Calaguas. I must tell you that the water is very clear, no stones, corals, trash under water. It's so calm that you can do snorkling, scuba diving or just simply floating and experience the beauty of nature. I must tell you that the water is cold even the sun is hot.
While you are in the island you can take some pictures or you can do recreational activities with your friends. Frisbee and Volleyball will do or you can bring your own cards or board games if you have kids with you.
When you are done swimming, you can also do trekking up to the hill of the island where you can see the overview of the Mahabang Buhangin and the Pacific Ocean. I assure you that the view will more likely lift your soul and feel stress-free.
To make your stay more contented and happier you can also do island hopping where you can see and swim on the clear waters of the different islands of Calaguas.
On the island, there are comfort rooms but don't expect that it's a beautiful one but it is still clean and good.
You should pay:
P30 when you will take a bath
P20 when you need to poo
P10 when you need to pee
P10 when you need to change clothes inside the CR.
If you will book with a travel agency, the more persons included the more cheaper
for 3D2N P3500 for 10-12 (per pax)
for 2D1N P2900 for 10-12 (per pax)
You see, God gave us beautiful places where we can enjoy the beauty of nature. We are responsible in taking care of it and be the soldiers to protect it.
I must say that you should take nothing but pictures and leave no trace except memories.
It is more fun in the Philippines! Enjoy! :)
Subscribe to:
Posts (Atom)