Wednesday, August 10, 2016

Heaven is real in Sagada, Philippines




Sagada, Philippines is a fifth class municipality of the Mountain Province here in the Philippines. It is famous not just for its chilling weather, that is very unusual for us Filipinos, but also with its very famous Kiltepan Sunrise where you can watch the sun rising with an OVERLOOKING SEA OF CLOUDS. Yes! A sea of clouds that will make you fall inlove with Sagada and will realize that HEAVEN IS FOR REAL!



How to go there?

If you have a private vehicle and can drive 12 looooooong hours to Sagada, well you’re good to get there on or before the estimated time BUT I must tell you that to gain a real time experience of getting there thru public vehicles then you must try the bus-bus-jeep experience. GET OUT OF YOUR COMFORT ZONE! :D


First, ride a six-hour provincial bus from Cubao Metro Manila to Baguio (one way is 400-500 php.) There are 24/7 bus liners there so you will not have a hard time to find one. When you’re in Baguio, RIDE AGAIN a six hour bus trip to BONTOC which is the capital of the Mountain Province. Then here’s the exciting part, the Bontoc-Sagada jeepney trips fill up so quickly so one of the MUST TRY option is to ride on a jeepney’s roof. It’s a little dangerous but it is normal for the people there to see and do it.


Where to stay?




Sagada is a fifth class municipality so there are no major hotels that you can look forward to but I must tell you that there are many hotels, inns and transient houses that can satisfy you and your needs. Me and my friends stayed at Mayor’s Inn. It is a newly built inn near the town proper and all I can say that is really beautiful and relaxing AND IT’S LOCATION is perfect to catch the OVERLOOKING SEA OF CLOUDS experience. It will cost you 400 php per night, the most expensive that you can get in Sagada.

Tip: Just a tip, even there’s a hot water in your shower room, It will cool easily once it  touches your skin because of the shivering weather. FACE YOUR FEARS! Defend your body from bad odors! Go and take a bath! Haha!

MAJOR ATTRACTIONS:

Church of the St. Mary the Virgin


This church is the major Episcopalian church in Sagada. It was built by American missionaries during the early 1900’s. Most of it walls are made of lime stones. Mind you, 95% of the Sagada population are protestants.









ECHO VALLEY and HANGING COFFINS


A 10 minute walk away from the Church is the Sagada’s famous ECHO VALLEY. Here you can shout everything you want while your voice bounces back to you. But before you can reach the valley, you will pass by an area restricted for graves only. It is a beautiful hill covered with green grass spotted by different white graves in different sizes. It is a little scary here but one thing that made me realize is that how lucky they are to live in a such perfect place away from a stressful environment. Ugh, later of that realization. haha!




Anyway, on the end of the cemetery is a trail of experience. Here you can walk down the trail while fascinating on the pine trees that are planted  like soldiers of time protecting the virgin forest. You can also discover the cliffs made of limestones and ask yourselves why are those limestones are up here in the mountain? 

Limestones are built by nature under water right? So does that mean that the Philippines is a land down under the Pacific Ocean before it became a land bridge to other countries?



Tip: Just a tip, any tourist who wish to visit this gorgeous place should watch his or her step and be careful







At last the echo valley! Here you can shout everything you want while your voice bounces back to you. At first, I thought it was ECO valley like a shorter version for ECOLOGY haha and I was like what’s with this ECO valley but when the tour guide shouted and bounces back I realized that it was ECHO not ECO! Haha! Poor me!






Few minutes walk down the valley is the famous Hanging coffins of Sagada. When we reached the hanging coffins, it made us feel scared for a moment because you can see right before your eyes the coffins. There are many stories why the natives hanged the coffins. Some says that it is a way of bringing a deceased closer to heaven, some also says to prevent the bodies to be eaten by wild animals and another is for a practical way of not wasting the land for crops. Nevertheless, whatever the reason is, we must respect their tradition and maintain its sacred culture. Pls. Do not touch some rechable coffins or take pictures with flash and PLS. NO VANDALISM.

Some of the hundreds of Hanging Coffins in Sagada

Trekking to Bomod-Ok Falls

Another popular activity that one should shouldn’t miss is the Bomod-Ok falls! Have enough energy when you will try the trekking because it is a loooong and exhausting trek under the heat of the sun sometimes. But MIND YOU, these are all nothing compared to the breath taking sceneries that you will encounter along the way. Here are some of the pictures that I captured









After an hour and 20 minutes of walking, we reached the Bomod-Ok falls. It is the biggest falls in Sagada. Upon arrival, we quickly swim in the icy water of the walls. It is worth the trek! All the stress and exhaustion are driven away by the cool and icy water.







Spelunking in Sumaguing Cave

This is a 4 hour activity that will drain your energy, mind and power.
I am warning you. THIS IS THE MOST CHALLENGING AND PHYSICALLY DEMANDING ACTIVITY that I experienced in my whole life! Please listen and obey your guide. What really worries me when I am going down to the cave is HOW TO CLIMB BACK! Yes! While the trail is becoming steeper and steeper your mind will trick you and produce some nerve wracking and death defying imaginations haha! What ever you hold inside the cave is slippery because of the bat-pooped covered cliff. 




But seriously, it is really hard BUT when you get down under the cave, it is worth the trail. Inside are different rock formations slowly and perfectly shaped by mother nature throughout the years plus the very cold water down under! A perfect spot for nature lovers









But wait! Before I forgot, THE STAIRS from the roadside that leads into the mouth of Sumaguing Cave will really catch your breath! It is not hard to go down but the GOING UP part is somehow drained my energy especially that I am a first time spelunker.

What to buy:

Compared to Metro Manila, vegies here in Sagada are very cheap by atleast 50-60%.
Vegetables are fresh from the farm. I bought 10 kilos of garlic for just P100. Potatoes for P20 per kilo. Broccoli 5 kilos for 100 php and many more. You can also visit the Sagada pottery and be amazed how they’re doing the pots there. You can also buy at the Woven handicrafts for souvenirs.





OH and DON’T FORGET the I SURVIVED SAGADA T-SHIRT. It is your pride that you survived all of the activities that Sagada can offer to you.



Overlooking Sea of Clouds

When we got back to our Inn. I quickly took a shower. We talked and planned together that the first one who will wake up early in the morning should also wake up others to see the sea of clouds. After some cold beer drinks and chit chatting we decided to sleep.

I’m in deep sleep when I heard a voice saying “Sh*t ang ganda! (Very Beautiful!)” I thought that it was just my friend seeing a beautiful lady passing by the road. I felt somebody grabbed my neck and pulled me and said “Buksan mo mata mo! (Open your eyes) As I opened my eyes, I  thought that our van crashed into and that I went straight in heaven (wait, am I that good boy? Haha) .the ecstatic chill came out to my body because what I AM SEEING IS A SEA OF PURE WHITE CLOUDS moving between the mountains. And I was like IS THIS REAL?! And apparently, it is real!


5:45 a.m.

6:30 a.m.

7:30 a.m
8:00 a,m.

Philippines is very beautiful country. It is the pearl of the orient that no one can conquer. Sagada is one of the reasons why Philippines is one of the top of the lists of a must try vacation experience. I must say that Sagada is a perfect place. Why a perfect place? Because television is not a big deal here in Sagada, WIFI is not a necessity and making friends is not thru Facebook, Twitter or Snapchat but thru a personal encounter. People here are friendly and approachable. The environment is clean and perfect for soul searching and mind relaxing experience PLUS the overlooking sea of clouds! So come and experience it  real. Grab those travel bags and prepare to experience and see a gorgeous and brilliant place called Sagada.

Indeed, Heaven is real here in Sagada.


Friday, November 27, 2015

UST Yellow Army! : Crowd ng Bayan


Sinasabi nila na ang basketball ay panlimahang laro lamang sa loob ng court. Na para lamang ito sa mga malalakas at bruskong tao. Na ang teamwork ang namamayani para sa koponang nais manalo sa kanilang kalaban. Lahat ng iyan ay totoo.... PERO HINDI SIGURO SA UST!

Kilala ang UST Growling Tigers na may 6 na manlalaro sa loob ng court. Isang center, power forward, small forward, shooting guard, point guard at siyempre ang UST Crowd, ang 6th man ng koponan!


Hindi maiaalis sa karamihan na tayong mga  nanood, tomasino man o hindi, at  sumusuporta sa mga manlalaro natin ang pinakamahalagang ingredient para bigyan ng lakas at pagtibayin ang puso ang mga manlalaro natin. Tayo ata ang best crowd sa UAAP dahil hindi tayo pa-ELITE kung pumalakpak at hindi rin tayo pang-GULO kung magwala kapag tayo ay sumusuporta. Tayo ang saktong crowd. Crowd na tila napakasarap samahan. Crowd na kayang ibigay ang kanilang boses at lakas para sa kanilang koponan. Crowd na kahit hindi magkakakilala ay nagsasama sama. 
CROWD NA MASASABI MONG PAMILYA.

Manalo man o matalo, mapaos man o mapilay sa katatalon, nandiyan tayo para sa ating manlalaro. Hindi natin sila iniiwan sa pagparty party sa tuwing nakakashoot sina Teng, Mariano, Fortuna, Lo, Daquioag, ,Vigil, Ferrer, Lao hanggang kay Lee, Bonleon, Suarez, Subido atbp at hinding hindi natin pinagwawalang bahala ang bawat siko, takbo, pagod, pawis at paghihirap ni Abdul sa ilalim ng basket. AT sino ba namang crowd ang nagbibigay ng lakas sa mga manlalaro nila na maipanalo ang laro pagkatapos mahabol ang 19, 18, 17, 16, 15,14, 13, 12 points deficit... wala! UST CROWD LANG!


Halos lahat ata ng cheer alam natin. Mashoot man o hindi ang freethrow lahat nag chicheer ng YOSI (One For UST). Habang hawak ang bola ay sabay sabay magchicheer ng OFFENSE (Lets go UST lets go fight!) Ang GST (GO S-A-N-T-O T-O-M-A-S GO UST) Hindi din mawawala diyan ang napakasayang OCHO (EYO EH-EH EYO. EYO EH-EH EYO) Sino ba naman ang hindi matatakot sa tuwing itataas natin ang dalawang kamay natin na magkadikit na may tatsulok sa gitna at sisigaw sa napakalakas na "OOOOOHHH DEFENSA!!!!" Sinong hindi mapapaindak habang sinisigaw natin ang bawat letra ng U-S-T na may kasamang giling. At sino ba naman ang hindi mapapasunod sa pagtaas ng ating kamay na nakaturo sa itaas at paiikutin at sabay sabay na magsasabi ng "Go USTe! GoUSTe! GoUSTe! Go! Go! Go!" Kayang kaya natin kainin ang kalaban sa tuwing sabay sabay tayong sumisigaw at nagchicheer na kahit ang ating mga ELITE alumni ay hinding hindi nahihiya itaas ang kanilang kamay at mag OHHH DEFENSA! Kasi sa UST lahat pantay-pantay!


Ang UST Growling Tigers ay isa nanaman sa mga bida ngayon para makuha ang season 78 championship crown ng UAAP. Pangatlong beses na ito sa loob ng apat na taon. Bigo sa una at pangalawa at  sana hindi na mabigo sa pangatlo. Kailangan nila ng tulong mga kapwa tomasino!  Sana hindi lang basta para sa headcount ang ticket na hawak mo dahil ang ticket na hawak mo sa panonoorin mong laro ay kailangan ng sigaw at hiyaw na may kasamang puso sa pagsali sa cheer ng bawat tomasinong handang ibigay ang lahat lahat ng kanilang boses at lakas para sa nagiisang UST team na may baong 6th man sa loob ng ng court.....ang UST Yellow Army - Ang Crowd ng Bayan.


Handa ka na ba? #GoUSTe

Sunday, August 2, 2015

10 SENYALES NA PASAHERO KA TALAGA NG JEEP SA PINAS!





Ang jeep ang isa sa mga pambansang transportasyon sa Pilipinas. Ito ang nagbibigay sa atin ng mura at madaling paraan para makapunta sa lugar na ating paroroonan. Ngunit sa araw-araw na pagsakay natin sa jeep, may mga ilang pangyayari talaga na hindi natin maiiwasan na maaring nangyari, mangyayari o nakita na natin sa loob ng transportasyon na ito. Naranasan mo na ba ito para masabing ikaw ay isang tunay na  pasahero ng tinaguriang hari ng kalsada?


1. SI MANONG APAT!
Sabi nga nila, ang mga barker daw ay talaga namang maasahan ng mga driver. OO! Tama! Pihado ako naranasan mo na ang pagtawag ni MANONG APAT sa pasahero ng "Oh Apat pa! Apat pa! 2 sa kanan! 2 sa kaliwa!" Habang kayo na nasa loob ng jeep, nagtataka dahil hindi na nga kayo magkasya sa loob   eh narinig mo na apat papala ang kasya! Saan sila uupo? sa sahig? kakanlungin? Tapos pag sinita mo si driver sasabihin pa di pa puno at wala pang laman... teka kuya ano kami? SABAW?  haha!



2. PATAY MALISYANG  PASAHERO

Ang ganda ganda ng araw mo at masaya kang sumakay sa jeep. Kumuha ng barya sabay sabing..
"Ma Bayad Po".. teka wala nag aabot, isa pa... "Ma BAYAD KO PO Pakiabot nga miss" aba dumungaw bigla sa bintana.. "Makikisuyo nga po tay! Bayad ko  po" ay patay malisya si tatay. Aba manong anak ng tokwa CATCH! Sigurado ako naranasan mo na to! haha



3. SI ATENG MAHILIG MAG PA HAIR  PARTY!
Naranasan mo na rin siguro ang kumain ng buhok ni ateng todo lugay at feel na feel ang malakas na usok na hangin na nanggagaling sa bintana ng jeep. Aba! Ate kakakain ko lang. Busog pako!Makiramdam!



4. SI MANONG PA-GAS! 
Yung late na late ka na sa office o sa school at nagmamadali kana tapos biglang lumiko yung jeep ni kuya sa gas station para mag pa gas! At ang ibabayad pa niya ay yung tig mamisong barya na bibilangin pa lang niya! Well, kasalanan mo yan dahil late ka nagising pero anak ng! Kuya bilis! Late na ako! haha


5. NAKAPAGPANGGAP KA NA  NAKAUPO!
Biktima ka na rin siguro ng jeep na pinara mo dahil nagmamadali ka pero pagpasok mo kakarampot na espasyo nalang pala ang nakalaan sa iyo. Ang ending, dulo na lamang ng pwet mo ang nakakaupo at ang matindi pa neto dumudulas ka pa ng pakonti konti at nanalangin na wag na wag dadaan sa mga humps o sa mga lubak na! haha!


6. ANG SANDALAN!
Naranasan mo narin siguro ang 
maging sandalan ng mga taong inaapi ng kaantukan. Yung tipong nagrereminisce ka tapos biglang may sasandal sayo na tao na tulog. Ang matindi pa nito, tumutulo pa ang laway at tila humihilik hilik pa. Nako kuya/ ate, wala po bang kama sa bahay niyo? Di makapag antay? Ganyan?

7. BABABA KA NALANG MAUUNTOG KA PA MOMENT!
Eto talaga yung moment na hindi mo inaasahan. Yung moment na  bababa ka nga lang sa jeep eh mauuntog ka pa ng malakas. Aray ko! Napahiya ka pa tuloy sa mga pasahero. Masaklap neto may narinig ka pang bungingis sa mga tao! Ingat ingat din kasi! haha!




8. MGA MAKUKULIT NA PASAHERO
Eto yung mga pasakay na pasahero na dimo alam kung bingi o sadyang makulit lang. Yung eksenang si kuya driver sisigaw ng destinasyon "Espanya espanya espanya! Lalarga na! Espanya! Espanya!" Tapos etong si pasahero na tipo kasasakay lang eh magtatanong "KUYA ESPANYA?" haha ANAK NG  PAULIT ULIT? hahah


9. MGA FRIENDLY JEEPNEY DRIVERS

Likas sa ating mga Pilipino ang maging palakaibigan. Hindi makakailang tayo ang pinakapalakaibigang tao sa mundo. Aba sa jeep din palakaibigan ang mga tao lalo na mga drivers. Yung tipong hihinto talaga yung jeep nila sa gitna ng kalsada at tsaka maguusap ng pagkatagal tagal. Ok na sana ang 1-2 seconds pero yung aabutin ng lagpas 30 segundo?! haha! Kuya! Pwede magchikahan mamaya!


10. ANG STIGMA NG MGA PASAHERO NG JEEP
Sigurado ako na karamihan sa atin ay naniniwala na ang pagsakay sa jeep ay kailangan ng ibayong pagiingat sa mga holdaper at mga snatcher sa labas ng bintana. Kaya naman tayong mga pasahero todo ingat sa bag natin at todo tago sa mga cellphone natin. Kailan kaya mawawala ang stigma na ito? Kailan kaya magiging ligtas ang pagsakay sa jeep na nakakapag text o twag ka sa phone mo na walang halong takot. 
Basta mga katoto, huwag na huwag magtetext sa loob ng jeep at huwag na magsuot ng mamahaling alahas pag sasakay sa jeep para iwas disgrasya at at iwas sa krimen na maaring magawa sa inyo.





Ang lahat ng ito ay base sa aking karanasan at ang iba ay opinyon lamang. Huwag masyadong seryosohin kung hindi ka natuwa! :)

Sunday, June 7, 2015

16 signs that you are a LEGIT PINOY 90's KID!



Sa panahon ngayon, iba na ang kabataan. Nakakalungkot isipin na pinatay na ng makabagong teknolohiya ang kasiyahan ng mga bata sa paglikha ng kanilang sariling imahinasyon sa paglalaro at maranasang makabuo ng matibay na pundasyon ng pagkakaibigan ng bawat indibidwal na makakasalamuha mo sa kalsada. Mabuti na lamang at ako ay isa mga huling henerasyon na nakaranas ng matinding kasiyahan dulot ng paglalaro sa kalsada kasama ang aking kapatid, pinsan at mga kapitbahay.

Ikaw ba ay pinanganak noong late 80s at late 90s? Kung ganoon, mabuhay ka! Isa kang 90s kid. Subalit naranasana mo ba ang isa sa mga ito para matawag kang LEGIT 90s kid?


1. MAHILIG TAYO MAMBARA SA MGA   GANITONG KATAGA.

Kapag may kalaro ka at gusto mo magset ng rules sa laro niyo babarahin mo siya sa mabilis na paraan na "WALA NG BAWIAN MAMATAY MAN PERIOD NO ERASE PADLOCK TAPON SUSI!" haha paano pa siya makakasabat niyan? O kaya pag may nangangako satin "PROMISE? CROSS YOUR HEART? HOPE TO DIE?" o kaya naman pag biglang sabay at pareho kayo ng sinabi, pabilisan kayo ng MONEY FOR ME LETTER FOR YOU sabay knock on wood three times! haha!




2. NAKALARO KA SA FAMILY COMPUTER

Siyempre! Sino ba naman ang hindi nabaliw sa Family Computer? Kahit wala ka nito, andiyan naman ang kapitbahay mo na bukas na bukas ang bahay para maglaro kayong dalawa/tatlo o apat na magkakaibigan  ng salitan sa mga nakakaengganyong laro tulad ng:

SUPER MARIO
PACMAN
STREET FIGHTER
SUPERSONIC
DONKEY KONG
CONTRA
BATTLE CITY
CIRCUS CHARLIE

Lahat ng larong yan ay nasa isang mala cassette tape na lalagyan na isasaksak mo lang sa mother board para gumana. Subalit, paano kung hindi gumana? Madali lang yan, pasikatan kayo ng mga barkada niyo na ihipan ang ang ilalim ng bala. Mas malakas na hipan mas gagana! :)







3. ANG MGA LARONG KALYE!

Bago pa ang RAGNAROK, DOTA, DOTA II, LOL, L4D, COC, KRITIKA may sarili na tayong mga laro natin na kahit saang sulok ng kalsada ay nilalaro ng bawat bata noong 90s. Dito nauso ang katagang ANG PIKON AY LAGING TALO.

Hindi pa uso ang Friendster, Facebook o Twitter  pero dahil sa mga larong kalyeng ito, marami tayong nakikilalang mga bagong kaibigan na talaga namang hanggang ngayon ay pinahahalagahan natin.

Walang mahirap o mayaman, walang pustahan o sugal at higit sa lahat walang murahan sa mga larong ito, PURONG KASIYAHAN LAMAN


4. ANG MGA SUPER CHIKLET NG  
   BAYAN!

Sino ba naman ang makakalimot sa BAZOOKA?! Ang chiklet na kaya natin binibili ay dahil sa comics na nakapaloob sa mala bareta na sabon na chiklet na kulay pink.. Dito natin sinundan ang kalokohan ng BAZOOKA GANG na pinangungunahan ni JOE kasama nila JANE, MORT, HERMAN at ang cute na si  PESTY.


Aminin mo man o hindi, binili mo ang bubble gum na ito hindi dahil sa tamis neto ngunit dahil sa mala pinturang kulay neto na didikit ng matagal sa dila at labi mo. Ginawa mo rin 'tong lipstick para iimpress ang mga kaibigan mo na nakamalaking braces sa kanilang mga bunganga. haha!



Sino ba naman ang makakalimot sa YAKEE? Ang gumball na sobrang asim pero sobrang sarap. Madalas natin bilhin ito at makipagsiklaban sa mga kalaro  natin kung sino ang unang bibigay sa asim ng gum ball na ito? Unang magpakita ng maasim na mukha ay siyang talo! :)



 5. MIRINDAL NG BARKADA: TINGI TINGING SITSIRYA AT SOFTDRINKS
Aling Biring! isang popcola po na 6 pesos at yung 4 na tigpipisong tomi, richie, pritos ring at sweetcorn.

Sa halagang sampung piso mabubusog ka na sa mga sitsiryang ito pagkatapos niyo maghabulan ng mga barkada mo sa kalsada.Mas masarap inumin ang malamig na sarsi o popcola kapag ito ay nakasupot at may straw na kasama na siya namang kinakagat kagat mo para wala makiinom sayo.

No. 1 rule: BAWAL HUMINGI dahil ito ay sakto lang para sa isang tao kaya ikaw naman tong magsusumbong kay nanay na umiiyak dahil pinagdamutan ka ng kaibigan mo pero sa halip na bigyan ka ng pera ay hindi ka na palalabasin dahil maghahapunan na. Saklap no?



6. KALOKOHAN KAPAG BROWNOUT

BROWNOUT! BROWNOUT! Si nanay nagsindi ng kandila sa sala. ABA eto ka naman lumapit at sinusubukan mong hawakan ang mitsa ng kandila na may apoy o kaya naman hinahampas hampas mo ng kamay mo ang apoy ng kandila. Kung medyo mabait bait ka namang bata, proud kang sabihin na mas nauna ka pa sa EL GAMMA PENUMBRA magshadow play tuwing brownout gamit ang iyong mga kamay upang bumuo ng ibon, aso, o anuman ilikha ng imahinasyon mo.

PERO ANG PINAKAMASAYA SA LAHAT? Yung kayong magpipinsan o kapitbahay ay pupunta sa sala uupo ng pabilog sa kandila at magkukwentuhan ng nakakatakot! VERY 90s kid! :)



7. HAWHAW:
PINAKABANAL NA    
PAGKAIN NATING 90s KID!

Papunta ka sa mga kalaro mo na may dalang hawhaw. Ikaw naman tong proud na proud dahil mararanasan mo nanaman maging pari kahit isang minuto sa buhay mo! Bakit? dahil kapag nakita ng mga kalaro mo may hawhaw ka.. matic na yan na pipila sila  sa harapan mo at eto kanamang tatayo sa gilid at magsasabing "BODY OF CHRIST"


Aminin! :)




8. SOBRANG EXCITED KA NG MALAMAN MONG PUPUNTA SI SUSY AT GENO SA SCHOOL MO!

Sino bang hindi? Sinong ayaw mapisil ang mga mascot nila? The moment na nalaman mong pupunta si SUSY at GENO sa school niyo eto ka naman at pupunta kay nanay upang magpabili ng 2 o 3 na SUSTAGEN na may scoop at box. Kasi the more sustagen scoops and boxes the more sustagen merchandise ang mapapanalunan! Lets go SUSY and GENO!



9. NANIWALA KA SA TSISMIS NA AAHON SA PACIFIC OCEAN SI GODZILLA NOONG DECEMBER 2000

Isa ka sa mga uto uto na naniwala sa takutan ng barkada na aahon si Godzilla sa Pacific Ocean noong December 2000. Ito ang latest tsismis na kumalat pagkatapos mapalabas ang GODZILLA noong 1998. The moment na nalaman mo'to inisip mo agad kung saan ka magtatago at kung paano ka makaliligtas sa apoy ng halimaw na'to.

Aminin, kinabahan ka nun! haha



10. KARAMIHAN SA ATIN AY MAY ALAGANG ALIEN GAMIT ANG TAMAGOTCHI!

karamihan sa atin ay nahook sa tamagotchi na yan sa halagang 80 php. Hindi natin alam kung ito ba ay aso, pusa, daga, itlog, o alien bastat ang mahalaga ay maalagaan natin siya dahil the moment na nawala siya, GOODBYE TAMAGOTCHI na at bibili kananaman ng bago. Dito tayo naging responsable sa mga bagay bagay at alamin ang tamang kahalagahan ng oras! :)




11. LAHAT TAYO AY NAADIK SA PLASTIC BALLOON!

HINDI KA 90'S KID KUNG HINDI MO NATRY 'TO! Yung tipong bubutasan mo siya gamit ang dila para palakihin ito o kaya naman mababaliw ka kahahanap sa kung saan ba ang butas ng lobo na yun dahil ito ay lumiliit. at tatakpan ito gamit ang labi mo. MOUTH PLEASURES indeed! Pero there's something talaga sa plastic balloon na di natin makalimutan, ANG AMOY NITO! Aminin! :D





12. MALAMANG SA MALAMANG ALAM NA ALAM MO NA BAKIT MAY SANTAN DITO!

Hindi ka 90s kid kung hindi mo natry sipsipin ang pinaniniwalaang mong nakatagong honey sa stem ng SANTAN FLOWER! Ikaw naman to masasarapan at ipipikita pa mga mata mo! Alam na alam mo yang 90s kid ka! Sigurado akong naubos ang tanim ni aling bebang na santan dahil kakasipsip niyo ng barkada niyo sa honey kuno na lumalabas dito! haha!





13. ANG MGA SIKAT NA SCHOOL SUPPLIES

Malapit na ang pasukan kaya naman ikaw iniiyakan mo ang mga school things na ito kapag hindi napapasaiyo. Tulad ng stroller bags, umiilaw na rubber shoes, ang pencil case mo na may 2nd floor, ang lapis mo na may basketball ring at may bolang nakalagay, ang scented eraser mo, ang mechanical pencil, ang bolpen mo na may 4 o 5 kulay pag pinindot mo at higit sa lahat ang slam book na pinapasagutan mo sa mga classmates mo pero ang tanging makikita mo dito ay TIME IS GOLD, SECRET o kayanaman M2M (many to mention). Lahat ng ito pinapabili mo para maging sikat ka sa loob ng klase at sayo manghiram ang mga classmates mo pero ikaw 'tong madamot at namimili ng pahihiramin! haha!



14. NANINIWALA KA NA ANG WATERFULL RING-       TOSS ANG  HARDEST GAME EVER!

Nachallenge tayo sa larong 'to. Dugo't pawis ang nilalaan natin para lamang masiguro na lahat ng rings ay masuot natin sa stick at kapag nagawa natin ito, isang malaking tagumpay ang mararamdaman natin ngunit isang maling galaw lamang ay agad agad naman itong mawawala. Basta't dahan dahan ka lamang sa pressure siguradong magagawa mo ito ang HARDEST GAME EVER!



 15. NAABUTAN PA NATIN ANG MGA LEGIT SUSPENSE/HORROR MOVIES/STORIES NG PILIPINAS


Aminin natin, dapat tayo maging proud dahil naabutan pa natin ang mga producers at direktor na gumawa ng LEGIT HORROR MOVIES! Sino ang makalilimot sa takot na naramdaman natin ng pinagpalit ni Manilyn Reynes ang basong may lason kay Ana Roces dahil siya ang alay sa piyesta ng mga aswang. Ang pagligtas ni Manilyn Reynes kay Aiza Seguerra  sa nagmassacre sa kanyang pamilya. Ang Halimaw sa Banga. Ang Shake Rattle 1 hanggang 4 (pagdating ng 5-15 BADUY NA). Ang paghasik ng lagim ni Balawis  Ang manananggal in the city ni Alma Concepcion. Ang pagtunaw sa katawan ni Ai Ai delas alas ng UNDIN. Tiyanak ni Janice de belen.Ang multo sa balete drive ni ChinChin Guitterez. Ang Vizconde Massacre. Marikina Massacre at higit sa lahat ang MAGANDANG GABI BAYAN HORROR SPECIAL na kasama nating natatakot  ang ating kapamilya sa kwarto o sala habang pinapanood natin ito. Walang tatalo dito!

Aminin niyo o hindi, nakaramdam tayo ng takot sa lahat ng mga Horror/suspense movies/stories na iyan! Hindi katulad ngayon na imbes na matakot ka sa eksena ay matatawa ka nalang dahil mapapasabi ka ng YUN NA YUN? Dahil malaki ang kaibihan ng pelikulang nananakot at pelikulang nanggugulat.


16. PRESSURED KA NA!

Bakit ka pressured? Dahil nakikita mo ang mga ka batch mo ay isa isa ng nagkakaasawa at nagkakaanak at sila ay masaya sa buhay pamilya! hanap hanap ka na! :D