Friday, November 27, 2015

UST Yellow Army! : Crowd ng Bayan


Sinasabi nila na ang basketball ay panlimahang laro lamang sa loob ng court. Na para lamang ito sa mga malalakas at bruskong tao. Na ang teamwork ang namamayani para sa koponang nais manalo sa kanilang kalaban. Lahat ng iyan ay totoo.... PERO HINDI SIGURO SA UST!

Kilala ang UST Growling Tigers na may 6 na manlalaro sa loob ng court. Isang center, power forward, small forward, shooting guard, point guard at siyempre ang UST Crowd, ang 6th man ng koponan!


Hindi maiaalis sa karamihan na tayong mga  nanood, tomasino man o hindi, at  sumusuporta sa mga manlalaro natin ang pinakamahalagang ingredient para bigyan ng lakas at pagtibayin ang puso ang mga manlalaro natin. Tayo ata ang best crowd sa UAAP dahil hindi tayo pa-ELITE kung pumalakpak at hindi rin tayo pang-GULO kung magwala kapag tayo ay sumusuporta. Tayo ang saktong crowd. Crowd na tila napakasarap samahan. Crowd na kayang ibigay ang kanilang boses at lakas para sa kanilang koponan. Crowd na kahit hindi magkakakilala ay nagsasama sama. 
CROWD NA MASASABI MONG PAMILYA.

Manalo man o matalo, mapaos man o mapilay sa katatalon, nandiyan tayo para sa ating manlalaro. Hindi natin sila iniiwan sa pagparty party sa tuwing nakakashoot sina Teng, Mariano, Fortuna, Lo, Daquioag, ,Vigil, Ferrer, Lao hanggang kay Lee, Bonleon, Suarez, Subido atbp at hinding hindi natin pinagwawalang bahala ang bawat siko, takbo, pagod, pawis at paghihirap ni Abdul sa ilalim ng basket. AT sino ba namang crowd ang nagbibigay ng lakas sa mga manlalaro nila na maipanalo ang laro pagkatapos mahabol ang 19, 18, 17, 16, 15,14, 13, 12 points deficit... wala! UST CROWD LANG!


Halos lahat ata ng cheer alam natin. Mashoot man o hindi ang freethrow lahat nag chicheer ng YOSI (One For UST). Habang hawak ang bola ay sabay sabay magchicheer ng OFFENSE (Lets go UST lets go fight!) Ang GST (GO S-A-N-T-O T-O-M-A-S GO UST) Hindi din mawawala diyan ang napakasayang OCHO (EYO EH-EH EYO. EYO EH-EH EYO) Sino ba naman ang hindi matatakot sa tuwing itataas natin ang dalawang kamay natin na magkadikit na may tatsulok sa gitna at sisigaw sa napakalakas na "OOOOOHHH DEFENSA!!!!" Sinong hindi mapapaindak habang sinisigaw natin ang bawat letra ng U-S-T na may kasamang giling. At sino ba naman ang hindi mapapasunod sa pagtaas ng ating kamay na nakaturo sa itaas at paiikutin at sabay sabay na magsasabi ng "Go USTe! GoUSTe! GoUSTe! Go! Go! Go!" Kayang kaya natin kainin ang kalaban sa tuwing sabay sabay tayong sumisigaw at nagchicheer na kahit ang ating mga ELITE alumni ay hinding hindi nahihiya itaas ang kanilang kamay at mag OHHH DEFENSA! Kasi sa UST lahat pantay-pantay!


Ang UST Growling Tigers ay isa nanaman sa mga bida ngayon para makuha ang season 78 championship crown ng UAAP. Pangatlong beses na ito sa loob ng apat na taon. Bigo sa una at pangalawa at  sana hindi na mabigo sa pangatlo. Kailangan nila ng tulong mga kapwa tomasino!  Sana hindi lang basta para sa headcount ang ticket na hawak mo dahil ang ticket na hawak mo sa panonoorin mong laro ay kailangan ng sigaw at hiyaw na may kasamang puso sa pagsali sa cheer ng bawat tomasinong handang ibigay ang lahat lahat ng kanilang boses at lakas para sa nagiisang UST team na may baong 6th man sa loob ng ng court.....ang UST Yellow Army - Ang Crowd ng Bayan.


Handa ka na ba? #GoUSTe