Unibersidad ng Santo Tomas. Ang pinakamatandang unibersidad sa Asya. Ito ang pamantasan na pinakamamahal nating lahat. Maraming tinatanggap na mag-aaral ngunit sobrang hirap makagraduate. OO nakapasa ka nga pero masasabi mo ba na ikaw ay true blooded Thomasian? Naranasan mo na ba ang ilan sa mga ito para masabi mo na ikaw ay #PROUDTHOMASIAN?
1. UST ID PICTURE.
Tunay kang Tomasino kung ikaw ay biktima ng pagiging haggard sa ID picture mo. Yung pagkatapos mo magenroll nung 1st year ka bigla bigla nalang kukuhaan ka ng picture na wala man lang ayos ayos. Ang matindi neto, gagamitin mo ito for the WHOLE STAY mo sa UST! 2nd year, 3rd year 4th year 5th year. Dahil kahit iwala mo pa iyang ID mo yan at yan parin ang ilalagay kaya naman ang gagawin mo ay lalagyan ng stickers ang front ID mo o kaya naman takpan ng LRT/MRT/TimeZone card ito pero ang madalas likod lagi ang nakaharap pag suot mo ito, tipikal na makikita mo sa mga Tomasino. :)2. NAKAKAIN KA NA SA MGA THE BEST CANTEENS AROUND UST
Bago pa ang mga fastfood restos sa Carpark at UST GYM, maraming mga best canteens around the campus. Nandiyan ang Mang Tootz Food Hauz na palaging bago ang binebentang pagkain.Masarap ang kanilang ihaw ihaw. At syempre hindi makukumpleto ang meal mo kung hindi mo titikman ang kanilang famous BANANARAMA!
Nandito din syempre ang
ALMER'S CANTEEN. Talaga nga naman malalaglag ka sa upuan mo pag natikman mo ang kanilang mga sizzling meals. Syempre hindi makukumpleto ang kain mo dito kung di mo naexperience ang Unli Gravy Soup nila! SARAP!
Siyempre, ang pinaka institusyon sa lahat! ang Lopez Canteen. Sa kanila ko lang natikman ang masarap na BOPIS in town. Syempre hindi mawawala ang kanilang super SPECIAL PALABOK na talaga nga namang dinadayo.
3. TAKOT KA LUMABAS SA ARCH OF THE CENTURIES
Naniniwala ka sa Urban Legend na kapag na lumabas ka sa Arch of the Centuries na hindi mo pa natatapos ang iyong kurso, hinding hindi ka na makakagraduate. May ilan pa nga na sabisabi na ito ay time warp zone na bigla ka nalang dadalhin sa ibang oras/taon sa mundo. Kaya tipikal sa mga Tomasino na magtakutan/magbiruan ng tulakan papalabas sa arkong ito. :)
4. KILALA MO SI ATE JOAN SA LABAS NG UST
LACSON GATE
Naniniwala ako na isa na talaga siyang institusyon ng unibersidad. Simula kinder ako na nagbebenta siya ng tamagochi at dragonball text cards hanggang nagcollege ako na binebenta naman niya ay ang paluto niyang pancit canton na ang sarap sarap. Hanggang ngayong matanda na ako ay nagkaroon na siya ng sarili niyang sarisaristore sa gilid ng UST pero ano? Ganun parin! Chestnut Brown parin ang buhok niya! Mabuhay ka Ate Joan!
5. NAKABILI KA SA PINAKASIKAT NA SI ATE YEMA!
Isa sa mga local UST celebrities ay si ate Kaye o Ate Yema in short! Ang kanyang famous line? "Hi guys, would you like to buy some yema, chocolate pastillas, food for the gods, oatmeal cookies or the special homemade pulvoron? It's the best pulvoron you'll ever taste in town." Tomasino kang tunay kung nakabili ka sa kaniya at natikman mo ang mga paninda niya. Masarap naman talaga yung pulvoron di ba? :)
6. NABIKTIMA KA NA NG KRIMEN SA LABAS NG UST LIBRARY
Isa sa mga talamak na krimen na nangyayari sa labas ng UST Library lalo pa't maulan ay ang pangingidnap ng mga payong. Marami na ang mga nakaranas na mga tomasino ang mawalan ng mga payong sa labas ng UST Lib. Desperate moves kumbaga haha! Makikita mo nalang ang maganda mong payong sa ibang parte ng campus na laspag na at wala ng malay. Condolence brad! peace!
7. MAY KAKAIBA KANG NARAMDAMAN SA PAGPASOK MO SA RELIGOUS STATUES SECTION NG UST MUSEUM
OO! Sino ba ang hindi nakaramdam ng takot ng bisitahin natin ang mga santo at anito na nawawala na ang mga mukha sa lugar na ito ng UST Museum. Yung akala mo lahat ng mga mata nakatingin sa iyo lalo pa't kakaiba yung amoy sa loob?Aminin mo, sinabi at naramdaman mo ang salitang TAKOT sa pagpasok mo dito!
8. PAGAAKALANG SIMBAHAN ANG MAIN BUILDING
Inakala mo talagang simbahan ang UST Main Building. O kaya naman minsan sa buhay mo sa loob ng campus may nagtanong sa iyo kung simbahan ba iyan o ang mas malala ay makakita ka ng nag sign of the cross at nagdadasal sa harap ng main building. Well di naman natin masisi ang malaking krus at ang mga statwa sa taas ng gusali
9. ISA KA SA MGA NANOOD NG UAAP GAMES WEARING YELLOW SHIRT!
Aminin mo, kahit ano't ano pa, mayroon kang kahit isang UST Yellow shirt sa cabinet mo na lagi mo pinapaplansta kay yaya, ate o nanay pag may game ang UST! Sumabog na din ang voice box mo kakasigaw sa tuwing makakatres o makakashoot sila Bal David, Espino, Duncil, Cruz, Fortuna, Teng o kaya makapuntos sila Bernal, Balse, Tabaquero, Pimentel. Syempre while shouting the most nakakahawang chant na Go USTe na kahit taga ibang school nakikitaas ng kamay! haha!
10. SYEMPRE 'DI MAWAWALA YUNG NARANASAN MO ANG MABAHA SA CAMPUS
Nakakaramdam ka na ng takot sa tuwing nakikita mo na maitim na ang kalangitan. Hindi mawawala ang tsinelas sa bag para pamalit sa sa sapatos mong may 4 inches na takong! Sino ba naman ang may gusto ng baha? Wala! Pero aminin man natin o hindi HINDING HINDI TAYO MAGIGING GANAP NA TOMASINO kung hindi natin maranasan lumusong sa baha at mastranded sa loob ng campus